A short story from my hard drive… Hehehe. I realized just right now that I have so many unpublished stuff here in my PC and I think some of these can be utilized as blog fillers/placeholders. From almost a decade ago, a required short story for my creative writing class (CW101). Sobrang emo!!!
xxx
Marami-rami ding pelikula ang aking napanood tungkol sa usapang Dawan (“The One”). At nabulag din ako sa kanila. The Family Man. Tila ba sinasabi niyang kung talagang kayo, e, kayo na nga. Forrest Gump. Isipin mo ba namang magkikita pa itong si Forrest at si Jenny sa kabila ng dami ng dinaanan ni Forrest, giyera, katanyagan, lahat. Serendipity. Di ko pa napanood pero kinuwento na sa akin ng kaibigan ko, at sus! Ganun din, kung kayo nga, e di kayo, anuman ang mangyari. Umasa akong ganun nga yun. Bakit kahapon lang, pakiramdam ko e iniwan ako ng sasakyang magdadala sa akin patungo sa aking Dawan.
Kahapon
Unang araw ng pasukan para sa isang pang-Sabadong klase ko. Hinanap ko si Councilor. Isa kasi ako sa mga taga-hanga ng taong to. Nag-grupo-grupo sa klase. At tinawag ako ni Councilor. Araw ko to, sabi ko sa sarili ko. Sabi niya, “Gray! may grupo ka na?” Kahit naman meron, iiwanan ko eh. At iniwan ko talaga, kaya nga nung magtawag si Sir, dalawa ang grupo ko kasi, hindi binura nung dati kong grupo ang pangalan ko sa listahan nila. Pero sino bang masusunod? Di ba ako rin naman? Kaya nga magka-grupo kami ni Councilor. At ni Jannuari, ang aking Dawan.
Tumunog ang fone ko. Nagtext si Jannuari. May meeting daw ang grupo mamayang ala-una sa TWSC. Yun lang daw ang free-time ng iba naming ka-grupo, si Councilor at iba pa. Pagkakataon ko na ito, bulong ko. “Di ako pwedeng ala-una, pwede bang mga 11am na lang?” Sabi ni Jannuari, pwede raw siya tutal ala naman siyang klase. Ayos! Kami lang siyempre ang nag-meet nung oras na iyon. On time siyang dumating. Nakakahiya nga eh. Hindi pa iyon ang huli. Kung may meeting kaming 3pm, “di ako pwede pero OK lang kung 1pm,” sabi ng anghel de la guardiya ko. Di pwede ang iba kaya kami na naman. Ayos na naman! Palaging di ako pwede pero kung mas maaga ng konti, na siya namang plano ng anghel de la guardiya ko, OK lang. Bagamat nararamdaman ko na may gusto ako sa kanya, di ko sinasabi sa kanya yun. Kasi naman, kung talagang kami, sa bandang huli e kami pa rin.
Napadalas ang pag-eemail ko kay Jannuari. Siya naman, dahil sa napaka-sweet at bait, nagrereply naman. At ako, ang isang napaka-assuming na tao, ay nag-isip ng iba. “Baka naman, may pag-asa ako sa kanya kung ligawan ko.” Siguro nga. Pero huwag na muna, kasi kung talagang kami nga, e di kami. At saka ni hindi ko nga kayang ilabas para i-date si Jannuari e. 24-7 akong magtrabaho pero estudyante pa rin ako, nagbabayad ng tuition, boarding house, readings, at kung anu-ano pa. Masaya na yung nag-eemail ako, at nagrereply naman siya. Nagkukwento ako, nakikinig naman siya. Medyo tinamaan na ako sa kanya, kay Jannuari. Di na siya mawala sa isip ko. Paggising ko sa umaga e tsaka ko lang maiisip na may klase pala ako kasi ba naman, maging sa pagtulog e siya ang laman ng isip ko. Tama sila. Mahirap ma-inlove. Walang kokontra. Inlove talaga ako. Papasok ako sa klase para lang makita siya. Pag nagtext si Jannuari na di siya papasok, sorry na lang si Sir, siguradong atleast dalawa sa mga estudyante niya e wala sa klase. Minsan nga, PH 207 ang klase namin. Nasa PH 204 ako nang magtext si Jannuari. Di raw siya papasok. Yun, bumalik ako sa PH 206, 208 at pagkatapos, nagpalipas ng oras sa Sunken Garden. Mabuting estudyante. Di lang minsan nangyari to. Naisip ko nun na tumigil sa pag-aaral at pagtatrabaho. Nakakasira kasi sa lovelife e. Pero hindi! Kalokohan lang yun. Nasa nagdadala yan. (At mukhang nahihirapan ako sa pagdadala nito.)
Di ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko. Sobra na to. Ang hindi ko maintindihan e wala akong ginagawa. Sinasabi ko sa kanya na anuman ang mangyari, e nandito lang ako. “Alam ko yun,” sabi niya. Nandiyang may magsulsol na ligawan ko daw si Jannuari. “Mahirap,” ang sabi ko. Wala yata akong pwedeng ialok sa kanya na wala pa siya o eksklusibong sa akin lang pwedeng manggaling. Inferiority complex, sabi nung kaibigan kong tibak. Yan ang hirap sa akin e. Isa pa, takot ako na mawala si Jannuari sa akin. Andiyan nga at masaya na kaming magkaibigan e kung magalit pag niligawan ko? Dito na lang ako, sa mag-kaibigan. At least, alam ko na andito siya.
“Gray, si Paolo. Paolo, si Gray.” Siya ang kuna-unahang kaibigan niya na ipinakilala niya sa akin ng harap-harapan, sa abot ng aking nalalaman. Eto na yun. Naloko na. sabi ko, baka naman magkaibigan lang sila. Siguro nga. Nag-aalinlangan ako dahil nabanggit na rin niya sa akin na nanliligaw sa kanya si Paolo. Di raw niya alam kung paniniwalaan ba niya ang mga sinasabi niya. Ayon sa kanya, handa raw maghintay si Paolo kahit na kailan pa. Malinaw na hindi lang sila magkaibigan. Nanliligaw sa kanya yung tao, ang hindi niya binabanggit sa akin ay kung sila na nga. Bago yun, di na siya masyadong nagrereply sa mga emails kong walang kwenta. Dati naman, kahit papaano e sumasagot siya. Sabi ko naman, yung kasing emails ko ay sinulat sa paraang di humihingi ng sagot. Pauna ko nga sa kanya, “as always, di mo naman kailangang magreply dito, gusto lang kitang sulatan.” Sour-graping, ika nga. Kahit anong kulit ko sa kate-text, maswerte na yung magpadala siya ng blank message. Sa totoo lang, wala ni blank message. Gusto ko nang sumuko, kahit di pa ako lumalaban. Gusto ko nang tumigil, kahit alam kong di pa ako nagsisimula. “My head says go and find the door, my heart says I found you,” korni pero parang ganun ang nagyayari sa akin. Minsan nagtext si Jannuari, may kailangan daw. Promise ko naman kasi sa kanya na di siya magdadalawang-salita pag may kailangan siya sa akin. Sumaya ako. Naalala niya ako. Umasa na naman ako. Pero ala pa ring ginawa. Ewan ko ba kung bakit! Ang labo ko.
Medyo napadalas ang pagkakataong nakikita ko sila ni Paolo. OK lang yan sabi ko. Kung ako nga palagi kong kasama si Hannah pero siya pa rin ang nasa isip ko. At isa pa, magkaibigan lang naman kami ni Hannah e. Baka ganun din sila ni Paolo. Baka magkaibigan din lang sila. Sana ganun din siya kay Paolo, tulad nung sa amin ni Hannah. Yun bang tipong kinukwento ko siya palagi kay Hannah, at ganun din naman, e kinukwento niya ako kay Paolo. (Masyadong assuming ang Gray na ito. Tsk tsk tsk.) Nagtext na naman si Jannuari. “Gray, favor, gawa mo kong write up sa yearbook.”
Yun na naman! Umiral na naman ang kalokohan ng anghel de la guardiya ko. “Yan na ang hinihintay mo, Gray.” Sinubukan kong sumulat. Nakisama naman ang keyboard at sumulat nga. Kinuha ko na rin pati yung mga classcards niya, para kako magkaroon ako ng dahilan para humingi ng pagkakataon na makita ko siya ulit, sembreak na kasi. Di ako nagkamali. Tumawag siya. “Gray, Saan ka? Yung classcards ko?” Sapul! Yayayain ko na lang mag-date. Hahaha. Sa wakas, mukhang sisimulan ko na ang giyera. “Puntahan kita diyan, dalhin ko na yung classcards.” Nasa baba lang daw siya. E di syempre, bumaba ako mula sa ikatlong palapag. Pinraktis ko muna kung paano ko siya iimbitahing kumain, o kaya manood ng sine, o kaya kahit saan na gusto niya. Pagbaba ko, nakita ko siya, kumakaway. Nilapitan niya ako. Mula sa pinanggalingan niya, may pamilyar na anino. Si Paolo. Paglapit niya sa akin, inabot ko ang mga classcards niya, biglang nawala ang dapat na sasabihin ko, na iimbitahan ko siyang lumabas. Si Paolo ang nakikita ko. Ang alam ko kasi e hindi pa registration. Kararating lang ni Jannuari mula sa probinsiya. Kung hindi pa registration, paanong naging magkasama sila? Imposible naman yata na nagkita lang sila sa AS tapos bigla na lang, “Paolo, samahan mo ko, may kukunin ako kay Gray.” Maliban na lang kung talagang nagkausap sila na pupunta sila dito. 99 porsiyento ay kumbinsido ako na sila na. Pero ganunpaman, hindi muna ako nagpadala sa kutob ko. “Give yourself the benefit of the doubt,” sabi ng aking anghel dela guardiya. “Sige, kung kailangan mo ng tulong, text ka lang.” Muntik ko ng maidagdag na, “kahit na andiyan pa si Paolo.” Umakyat ako uli sa opisina. Medyo malungkot pero pinilit ngumiti. Isang pilit na ngiti na kahit sinong batikan na pintor ay mahihirapang ipinta.
Hindi ko na yata kaya. Pakiramdam ko talaga e sila na nga. Tinawagan ko ang dati kong classmate na kabigan at malapit kay Jannuari.
“Pam, si Jannuari at Paolo na ba?”
“M.U. sila, bakit?” Gusto kong bagsakan ng telepono si Pam sa sinabi niya.
“Wala lang. Bye.”
Ininom ko ang ika-pitong baso ng kape ko mula nung makita ko si Jannuari at Paolo kahapon. Ngumiti, kahit na pilit. Kasi naman, kung talagang kami, sa bandang huli e kami pa rin. Kaya lang baka pagdating ng panahon na iyon, e huli na ang lahat. Mukha ngang huli na e.
Ngayon
Iniisip ko lang, bakit masyado akong umasa sa kanya? Napakarami na rin ng mga bagay na aking nakita para sabihing sila na nga. Bakit di pa ako naniniwala sa mga nakita ko? Ng sarili kong mga mata? Ang hindi ko maintindihan, bakit ang nakikita ko lang ay ang mga bagay na maari kong isipin na may gusto rin siya sa akin. Ang nakikita ko lang ay yung pagte-text niya sa akin pag may problema siya. Andiyan na itext niya ako sa kalagitnaan ng gabi para sabihing “syet, Gray, umiiyak ako. Gising ka pa ba?” Minsan naman, “I-meet mo naman ako bukas bago ang exam kasi kinakabahan ako.” Inisip ko naman na dahil sa tinatawagan niya ako tuwing may problema siya, baka importante din ako sa kanya. Kapag kelangan niya ng tulong, ako ang hinahanap niya. Flattered ako dun actually. Pag medyo nabo-bored na siya sa klase ipa-paalam niya sa akin. Inakala ko talaga na may nararamdaman siya sa akin. Alam kong mababaw ang mga dahilan ko pero ano bang magagawa ko? Eto ako e. Siguro ganoon na lang ang galit sa akin ni Kupido at pati ako ay pinaglaruan niya. Masyado niya akong pinalambot. Yun bang… isang “hi” lang mula sa kanya ay pina-unawa ni Kupido sa akin na “o yan, kita mo na, naalala ka niya.” Masyadong naging mababaw ang aking pamantayan. Sinabi lang ni Jannuari na umiiyak siya, o kaya ay nagpasama lang siya nung kinakabahan siya, akala ko kung sino na ako na importante sa kanya. Napakalaking pagkakamali. At ang masakit dun, heto’t ayaw ko pa ring maniwala na mali ako. Alam ko na mali ako, pero ayaw kong maniwala. Naaawa ako sa sarili ko. Masayadong malaking bahagi ng aking pagkatao ang ipinagkaloob ko sa kanya. Pakiramdam ko ay wala na akong itinira para sa akin. Nakalimutan kong isipin na hindi lahat ng gusto ko ay makukuha ko… na hindi lahat ng mahal ko ay mamahalin rin ako. Ang sa akin lang naman, hindi ko na dapat pinaasa ang sarili ko. Noon pa man, dapat ay tinanggap ko na ang katotohanan. Ako ay para sa kanya pero siya ay hindi para sa akin. Napakasimple. Bakit hindi ko nakita at natanggap ang mga bagay na iyon noon pa man? Lalo ko lang pinahirapan ang sarili ko. Siguro, iyon ay dahil sa hindi ko maipaliwanag kung ano ang talagang nararamdaman ko sa kanya. Siguro, dahil din sa hindi ko naintindihan kung ano nga ba ang ibig sabihin ng mga bagay na nakikita ko sa kanya. Alam kong mali ako. At dito ako magsisimula. Ang tanggapin na mali ako. Tanggapin ang katotohanan na mali ako. Oo, minahal ko siya ng higit pa sa kaya kong ibigay kaninuman. Pero hindi yun sapat para humingi ako sa kanya ng isang bagay na alam ko namang naibigay na niya sa iba. Sabi nila, kung talagang mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para makasama mo siya. Lahat.
Kung pwede ko lang sana siyang nakawin, ginawa ko na. Kung pwede ko lang ipagbili ang aking prinsipyo, ang aking pagkatao, at siya naman ang magiging kabayaran, ginawa ko na. Ngunit kung masaya na naman siya, bakit kailangan ko pang gawin yun? Hindi ba’t dapat ay kung masaya siya, masaya din ako? Naguguluhan ako. Nawawala ako. Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Hindi ko alam kung dapat ko bang tingnan ang bagay na ito bilang isang pagsubok. Ang pagsubok, sa aking paniniwala, ay dumadating sa kalagitnaan ng laban. Sa sitwasyon kong ito, pakiramdam ko, tapos na ang laban, isang laban na hindi ko man lang nasimulan.
Bukas…
Nakausap ko na si Jannuari. Natanggap ko na ang lahat. At sana, bukas, magkaibigan pa rin kami. Matatanggap ko ang ilang ulit na kabiguan ngunit ang mawala siya sa aking buhay, bilang isang kaibigan… hindi ko alam…
councilor! di ako makapaniwala na nakita mo ito. wow.
januarri, sabi ko nga sa email ko sa iyo, si blockmate mo. hehehe.
Posted by eks at May 22, 2009, 8:25 pmIn the web times, even if you are a noble person on louis vuitton outlet, or to real action to prove himself, has been integrated into a new era.If in a foreign country to join the twitter, it is best to join army of micro-Bo;The louis vuitton handbags reflect the class of the person holding them, as people are extremely conscious of their personality portrayed.Is without a doubt louis vuitton online seriously is present?http://www.gaolvlouisvuittonoutlet.org
Posted by Louis Vuitton Outlet at August 8, 2011, 10:58 amThe swarovski crystal will make you the eye-catcher. The most quality fashion jewelry design classical crystal creation makes the pendant the favorite of the fashion,The wide selection of necklaces,bracelets and earrings at the swarovski outlet varied in styles, are suitable for women of all ages and come in sets for day and evening wear.All swarovski crystal jewelry is hypoallergenic therefore all those with super sensitive skin can enjoy wearing it without any fear of getting an ugly reaction or rash.
http://www.swarovskioutlet.net
Under the scorching heat ferragamo handbagsof the Tripoli sun, Masoud Bwisir, 38, and salvatore ferragamo shoeshis fellow rebels have just taken control of a checkpointferragamo sale Friday in the village of Tajura, six miles east of the Libyanferragamo shoes capital of Tripoli. All night, local ferragamo walletyouths manned the barricade — composed of nothing ferragamo salvatoremore than a few concrete blocks and some salvator ferragamoA fighter signals that a driver is refusing to open his trunk forferragamo shoe inspection and Bwisir comes over. When the hatch is lifted, the rebels find 20 pounds of ferragamo bagexplosives underneath some plastic bags Many here share Tresh’s sentiments. On Saturday the local buzz was about a weapons depot the brigade found on a farm five miles east of Tajura.
After gobbling down a fewferragamo handbag morsels of meat and picking at some chickpeas, Bwisirferragamo bags picks up his Kalashnikov ferragamo beltand heads out into the courtyard of the school. A group of young men surround him, asking if the bomb sapper who moonlights as a guitar player could put on a short concert for the neighborhood.
東京電力福島第コーチ 財布 一原発の事故の影響バッグ コーチが直撃した福島県で22日、早場米コーチ 財布 アウトレットの収穫が始まった。この日にコーチ 新作射性物質を検査し、月末にも出コーチ アウトレット荷の可否が判明すコーチ バッグ 激安る。早場米コーチジャパンでも国の基準値を超えると、水田アウトレット コーチがある地域全体ですべてのコメの出ヴィトン財布荷が制限される。農家は不安を抱え、検ルイヴィトン バッグ査結果を待っている.旧ソ連ヴィトン ベルト?ウクライナのチェルヴィトン 長財布ノブイリ原発事故で汚染された農ヴィトン 財布 メンズ地で、放射性物シャネル 財布質をよく吸収シャネル 新作ヴィトン 長財布シャネル チェーンバッグする試みが続いている。福エルメス 財布島第一原発事故のエルメス トート被災地への応用が期待されており、22日、篠原孝?農バーキン エルメス林水産副大臣が現地を視察バーバリーロンドンした。 また、「チェルノブバーバリーアウトレットイリ救援?中部」バーバリー財布の竹内高明さんは「福島の場合は放射性物質が土壌表面にバーバリーマフラー集中しているが、チェルノブイリ周辺は30~40センチのバーバリーバッグ深さまで入り込ん.
Have you ever dreamed of being as charming as Madonna? Have you ever thought of becoming an envy of all your friends? If so, come to louis vuitton outlet.
Posted by Louis Vuitton Outlet at October 21, 2011, 1:32 pmlouis vuitton bags using the most exclusive materials and state-of-the-art workmanship. The skilled artistry that goes into creating each product guarantees impeccable quality.We are glad you come to join in our louis vuitton outlet online store, because the winter is upcoming now, Louis Vuitton released many new handbags to feedback our customers.
Posted by Louis Vuitton Outlet at October 21, 2011, 1:42 pmlouis vuitton outlet online just like a person who want to show himself in front of other people, because he is confident enough, he can attain the respect of other people.
Posted by Louis Vuitton Outlet at October 21, 2011, 3:17 pmThough handbags are basically an accessory item of girls, there are many modern handbags and wallets for males too as it has become the ultimate fashion accessory at coach factory outlet.Are you searching for a cool and stylish coach bag? The coach factory outlet online Online is your first priority.
Posted by Coach Factory Outlet at October 21, 2011, 3:59 pmAs long as you open our coach factory outlet webpage, you will view various Coach New Arrivals which are the most popular also the most fashionable in this year.
Posted by Coach Factory Outlet at October 21, 2011, 4:07 pmcoach factory outlet is really sizzling kinds of shopping way for you. With the usage of the replica designer coach bags, you can surely be able to change your individual looks in a stunning manner.coach factory online daily news purse allow clearly tally it is advantage over various kinds of achievement costs wallets. Tho.
Posted by Coach Factory Outlet at October 21, 2011, 4:52 pm
me nagsend ng link sa kin. di ko sure kung tama hinala ko pero sino si jannuari?
spill the beans paul
Posted by ely at May 22, 2009, 4:12 pm